Sapat na bakuna  kontra COVID- 19 tiniyak ng PHO sa gitna ng pagdagsa ng mga nagnanais magpabakuna sa iba’t- ibang vaccination center

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Provincial Health Office na mayroon itong sapat na bakuna  kontra COVID- 19 sa gitna na rin ng pagdagsa ng mga taong nagnanais magpabakuna sa iba’t- ibang vaccination center sa lalawigan lalo na sa bayan ng Daet.

Ayon kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco maraming bakuna sa kanilang cold room at ito umano ay equally “distributed”  sa pangangailangan ng bawat munisipyo.

Sa katunayan araw- araw na umano ngayon ang bakunahan sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Habang ang mga Lokal na Pamahalaan naman ay mayroong ilang araw na schedule ng pagbabakuna kada linggo.

May pagkakataon naman na hindi natutuloy ang bakunahan lalo na sa barangay dahil walang doktor tulad na lang sa isang barangay ng Mercedes.

Sa ngayon ayon kay Francisco ay nasa mahigit 300 libo na ang nabakunahan sa lalawigan sa mahigit 440, 000 na target population.

Kumpiyansa ang doktor na malapit nang maabot ang herd immunity kaya naman patuloy umano ang kanilang pagbabakuna.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nitong nagdaang mga araw ay patuloy ang pagdagsa ng mga magpapabakuna sa iba’t- ibang vaccination center na madaling araw pa lang ay mahaba na ang pila.

Sa bisa kasi ng Executive Order ni Governor Edgardo Tallado na epektibo simula noong Enero 16 ay hindi na pinapayagang lumabas ng bahay ang mga hindi bakunado maliban sa pag access ng medical at health services.

Ipinapatupad na rin sa probinsiya ang no vax, no ride sa mga pampublikong sasakyan.