Santa Clause sa Albay muling masisilayan sa panahon ng pandemya ayon sa provincial tourism office

LEGAZPI CITY – Dinarayo na ngayon ng mga Albayano ang Albay Capitol Park matapos malagyan ng chrismas lights decoration ang buong park sa Albay District. Naging maliwanag na ito sa ngayon kumpara nitong nakaraang taon na halos walang nailagay umanong pagpapaganda sa park.

 Ayon kay Dorothy Colle, ang head ng Provincial Tourism Office ng nasabing lalawigan, maliban sa decoration ay masisilayan muli ng mga bata at kabataan ngayon panahon ng pandemya ang pag-iikot ni Santa Clause sa araw mismo ng Dec 16 hanggang sa pagsalubong ng Kapaskuhan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

 Magiging masaya muli ang mga bata sa unang araw ng simbang gabi dahil mamimigay ito ng mga pagkain. Nitong nakaraang taon ay naging malungkot umano ang pasko dahil sa naranasan pandemya sa bansa. Si Santa Claus, na kilala rin bilang Father Christmas, Saint Nicholas, Saint Nick, Kris Kringle, o simpleng Santa, ay isang maalamat character na nagmula sa kulturang Kristiyanong Kanluranin na sinasabing nagdadala ng mga regalo tuwing Bisperas ng Pasko ng mga laruan at kendi para sa bata na mabait, masunirin, magalang at mapagmahal.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase