BICOL – Pumalo na sa 755 ang kabuuang kaso ng COVID-19 Variants of Concern sa Bicol region matapos madagdagan ng 68.
Sa pinakahuling Bio Surveillance report na inilabas ng DOH-Bicol, pawang Delta variant ang 68 na bagong kasong nadagdag.
Dahil dito mas dumami pa ang kaso ng Delta variant sa rehiyon na pumalo na sa 572, nananatiling dominante sa lahat ng mga VOCs na naitala sa rehiyon.
34 sa mga bagong Delta cases ay naitala sa Catanduanes, 13 sa Albay; 11 sa Camarines Sur, 4 sa Legazpi City; 3 sa Sorsogon; 2 sa Naga City at may isa ang islang probinsya ng Masbate.
Samantala, umaabot na rin sa 127 ang kaso ng Beta variant sa rehiyon at 56 naman ang Alpha variant cases.
Base ito sa November 20 at November 25 report para sa mga samples na sinuri sa Philippine Genome Center (PGC).