Sangguniang Panlalawigan, makikiusap sa mga oil players na ibaba ang presyo ng gasolina

Makikiusap ang Sangguniang Panlalawigan sa mga may-ari at Oil Players sa Lalawigan ng Palawan na kung maari ay ibaba ang presyo ng gasolina sa mga susunod na araw.

Sa isinagawang privilege speech ni Board Member Ryan Maminta kanina sa regular na session, hiniling nito sa mga oil industry players na bawasan ang kasalukuyang presyo ng petrolyo dahil sa lubha ng naapektuhan ang mga mamayan.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Dahil dito, ipatawag ang mga ito sa Committee Meeting sa susunod na Martes upang talakayin ang pagtaas at kausapin kaugnay sa patuloy na pagsipa ng presyo sa merkado.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Matatandaan, nakaraang taon ay halos sunod-sunod din ang pagtaas ng halaga ng petrolyo, ngunit napakiusapan ito ng Sangguniang Panlalawigan na bumaba naman ng bahagya.