ISANG sanggol kamakailan sa Alabamqa, USA ang nagkataon na naging kabirthday niya ang kaniyang ama at ina.
Ipinanganak ito sa Hunstville Hospital for Women and Children kung saan ipinanganak ito sa araw ng ika-18 ng Disyembre at pinangalanang Lennon Scott.
Ayon sa pag-aaral, talagang bihira lang daw mangyari ang ganitong insidente kung saan 1 sa kada 133, 000 na pamilya lamang ito puwede mangyari.
Sa panayam sa mga magulang ni Lennon, gabi pa raw ng Ika-17 ng Disyembre nang maglabor ang ina nito na si Cassidy.
Ngunit mistulang ayaw pa raw lumabas ng sanggol mula sa sinapupunan at tila talagang gusto nitong maging pareho ang kanilang kaarawan ng kaniyang mga magulang.
Nang dahil sa pangyayaring ito, maraming nagtatanong sa mag-asawa kung planado ba ang kapanganakan ng bata.
Itinanggi nga ito ng mag-asawa at tila nagbiro pa ang amang si Dylan na gagawin ulit nila sa ika-18 ng Disyembre ang kapanganakan ng susunod na anak kung sakaling masundan si Lennon at para tipid na rin sa gastos ang kanilang mga handaan. |WENCY LISAY