Sanggol na ipinanganak na may buntot sa Mexico, normal nang namumuhay pagkatapos isailalim sa operasyon

Karaniwang makikita natin ang mga nilalang na may buntot sa mga hayop kagaya ng aso, pusa, daga at iba pa.

Ngunit, kamakailan ay isang babaeng sanggol ang ipinaganak sa Mexico na ikinagulat ng doktor dahil pakalabas nito mula sa sinapupunan, may habang 5.7 cm na buntot ang bata.

Ang naturang buntot ay agad na sinuri at napag-alaman na ito ay pangkaraniwang parte ng katawan na may muscle, blood vessels at nerves subalit, walang buto.

Kalaunan, nang makalipas ang ilan pang buwan ay dumagdag umano ang haba nito at wala rin naman itong komplikasyon at nananatiling malusog ang bata.

Isang araw, sa kadahilanang malusog naman ito, napagdesisyon na ng mga magulang at sa tulong ng doktor na tanggalin na ang buntot.

Kaya naman isinailalim na ito sa isang minor operation dahilan para makalabas at maiuwi na rin agad ang sanggol.

Sa ngayon, ang bata ay patuloy na nabubuhay ng malusog at namumuhay ng normal kagaya ng ilang mga bata. |𝗪𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗟𝗜𝗦𝗔𝗬