Padilla nabitiw bilang exec VP ng PDP-Laban

Nagbitiw na bilang executive vice preisdent ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla.

Paliwanag ni Padilla nais niyang magampanan ng maayos ang kanyang tungkulin bilang halal na mambabatas.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Inihain ng senador ang kanyang irrevocable resignation nitong Lunes bagama’t mananatili umano siyang aktibong miyembro ng partido.

Naniniwala si Padilla na ang pagbibitiw niya sa pwesto ay para sa kapakanan ng partido at lahat ng miyembro ng PDP-Laban.

Read More:  DENR monitors poor water quality near Navotas Landfill

Dagdag pa nito na mas nararapat, na ang magiging executive vice president ay makapaglalaan ng buong oras nito para gampanan ang mga tungkulin at responsiblidad sa partido. // LB, edited MHEL PACIA