Ikinababahala ng Department of Social Welfare and Development ang umano’y bentahan ng bata online.
Sa pulong balitaan – isiniwalat ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang pagkaka-aresto ng Philippine National Police (PNP) sa isang babae, at sa broker nito, na nagbebenta ng kaniyang 8-day child sa halagang P50,000 hanggang P90,000.
Sa ulat ni PNP-Anti-Trafficking in Persons Division of the Women and Children Protection Center chief Col. Renato Mercado, arestado ang suspek sa isang entrapment operation sa Dasmariñas City.
Sabi naman ni Undersecretary Janella Ejercito Estrada ng National Authority for Child Care (NACC), na-monitor nila ang bentahan at illegal adoption sa pamamagitan ng Facebook pages at marketplace.
Mula noong nakaraang taon – mayroong 20 hanggang sa 40 pages ang mayroong mga ganitong transaksyon.
Sabi ni Gatchalian – hihigpitan nila ang pagbabanta laban sa illegal adoption.
Umapela rin ito sa mga magulang na idaan sa legal ang paga-ampon, at ‘wag tangkilikin ang mga ganitong bentahan online.