Sandiganbayan, tinanggihan ang mosyon ng Ex-Masbate 3D Representative na ibasura ang kanyang mga kaso kaugnay sa PDAF scam

Tinanggihan ng Sandiganbayan ang pagtatangka ng dating Masbate 3rd District Representative na si Rizalina Seachon-Lanete na ibasura ang kanyang kasong plunder at graft kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Magkasabay, subalit sa magkahiwalay na mga resolusyon na may petsang Nob 21 at Nob 25, 2022, ibinasura ng 4th Division ang ‘motions for leave to file demurrer to evidence’ ni Lanete at ng dating negosyante na si Janet Lim Napoles.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Lanete na nabigo ang prosekusyon na patunayan na siya ay pumirma ng mga dokumento na may kaugnayan sa PDAF scam. Binigyan diin din nito na kaya siya pinagbigyan ng korte na makapagpiyansa noong 2016 ay dahil hindi matibay ang ebidensya ng kanyang pagkakasala.

Ayon sa anti- graft court, ang testimonial at documentary evidence ng prosekusyon ay supisyente para maigawad ang guilty verdict sa mga akusado maliban kung matagumpay itong makokontra.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Si Lanete ay nahaharap sa kasong plunder o pandarambong matapos umanong ibulsa ang higit P108M na kickback sa PDAF scam mula 2007 hanggang 2010. Nahaharap din ito sa Masbate sa 11 counts of graft kaugnay ng mga transaksyon sa PDAF.