21 empleyado, arestado sa raid vs illegal online casino sa Laguna; mga Marijuana, nakumpiska

Kalaboso ang 21 empleyado ng iligal na online casino sa isinagawang raid ng mga awtoridad sa Biñan City at San Pedro, Laguna.

Ang mga suspek na naaresto ng Biñan City Police Station ay kinilala sa mga alyas na sina Heimrich, Jhundel, Denzel, Japhet, Aaron, Jonathan, John, Borgy, Christian, Bren, Jon, Robert, Anthony, at Philip John.

Habang ang naaresto naman ng San Pedro Municipal Police Station ay sina alyas Kimberly, Kent, Darwin, Jezreel, Mary, Dan, at Estefen.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO, maliban sa mga nakumpiskang mga gamit sa iligal na online casino ay nakumpiska mula sa mga ito ang 11 pakete ng hinihinalang tuyong dahon ng Marijuana at mga drug paraphernalia.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa report ng Biñan CPS, pasado alas-9 ng gabi noong Lunes, Disyembre 12, 2022 ay kanilang ikinasa ang anti-gambling operation sa Tennessee Street, Southville Town and Country, Brgy Sto. Tomas, Biñan City, Laguna.

Akto ang mga suspek na nahuling nangungulekta ng mga bet money para sa online casino.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga computer at ibang gamit sa online game maliban sa mga pakete ng marijuana.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa report naman ng San Pedro City Police Station, bandang 5:30 ng hapon nila ikinasa ang raid sa Brgy. Pacita 1, San Pedro City, Laguna.

Nakumpsika sa mga suspek ang pitong set ng computer, iba pang gamit sa online casino at P29,500 na bet money.

Nasa kustodiya na ng naturang mga himpilan ang mga naaresto at mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602.

Kasong kriminal na RA 9165 o “Dangerous Drug Acts of 2002” ang isinampa kina alyas Heinrich, Jundel, Denzel, Aaron, John, Jon at John na nakuhanan ng marijuana.