House, inaprubahahan ang budget provision para sa Nat’l Citizens Service Training program

Inaprubahan ng makapangyarihang House Committee on Appropriations ang budget provision ng substitute bill na lilikha ng National Citizens Service Training Program o NCST sa lahat ng public at private tertiary education sa bansa.

Ang iminungkahing panukala ay ipinasa sa appropriations committee mula sa House Committees on Higher and Technical Education at Basic Education and Culture.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Pinangunahan ni Ako Bicol Party-list Rep. Raul Angelo Bongalon, ang vice chair ng komite, ang rekomendasyon na tanggalin ang Section 38 ng substitute bill para ipasok ang subject to the evaluation at approval ng Department of Budget and Management (DBM).

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Wala naman naging pagtutol ang kinatawan ng DBM sa mga ammendments na inaprubahan ng House panel.

Una nang tinutulan ng mga youth advocates at student leaders ang panukala at sinabing wala itong pinagkaiba sa Reserve Officers’ Training Corps o ROTC program sa lahat ng mga estudyante sa unibersidad at kolehiyo dahil maaari itong maglantad sa maraming kabataang Pilipino sa pag-abuso.