San Bernardino Island and lighthouse sa Bulusan, Sorsogon binisita ng NHCP para sa planong restoration

SORSOGON CITY—Binisita ng pamunuan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang San Bernardino Island and Lighthouse sa bayan ng Bulusan, Sorsogon.

Ang pagbisita ay pinangunahan ni NHCP Chairman Dr. Rene Escalante para sa site inspection at planong restoration.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Inaasahan sa lalong madaling panahon ang paglalagay ng Historical Marker ng NHCP sa naturang lugar.

Kapag naisakatuparan, ang San Bernadino Lighthouse ay maidedeklara na ng NHCP  bilang isang makasaysayang istruktura at mapapabilang sa listahan ng Philippine Registry of Historical Sites and Structures.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Nabatid na patuloy ang paghahanap ngayon ng LGU Bulusan ng mga lugar sa kanilang bayan na mayroong potensyal para sa pagpapaunlad ng turismo, kultura at sining.###