Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Bgy. San Agustin, Iba, Zambales sa pamilya ng sundalong nasawi sa C130 crash sa Sulu sa Mindanao.
Ito ay sa pamamagitan ng isang resolusyon na nilagdaan ng konseho ng Barangay San Agustin noong July 5 bilang pakikiisa sa pagdadalamhati sa sinapit ni Philippine Airforce Tsgt. Mark Agana.
Matatandaan na si Agana ay kasama sa limampung mga sundalong lulan ng military transport aircraft na namatay sa disgrasya Patikul. Sulu.
Ayon kay Punong Barangay Edith Montefalcon, nabibilang sa isang mabuting pamilya sa Barangay San Agustin si Tsgt Agana at aktibo sa mga gawaing pang-komunidad at aktibidad ng kabataan noong wala pa ito sa pagseserbisyo sa Airforce.//Russell Banawa-BNFM IBA
Photo Courtesy: Bgy. San Agustin
