Mag-live-in partner na miyembro ng New People’s Army sumuko sa pulisya ng Labo MPS at piniling magbalik loob sa gobyerno

CAMARINES NORTE- Piniling magbalik-loob sa gobyero ng maglive-in partner na pawang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pamamagitan ng buong pusong pagsuko nila sa mga tauhan ng Labo Municipal Police Station na pinamumunuan ni PLTCOL JUANCHO B IBIS, Chief of Police dakong alas 2:25 ng hapon nitong Semana Santa

Ang naturang mga personahe ay itinago sa pangalang “Ka Waray” at “Ka Oyang” na nasa ilalim ng pangkat ni “Ka Ret” ng Larangan 1, KP1 na gumagawa ng iba’t ibang mga opensiba sa probinsya ng Camarines Norte partikular sa Brgy. Calabasa, Dumagmang, Exciban, Macogon at Pag-asa, Labo, Camarines Norte.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kasama ng kanilang personal na pagsuko ay ang pagsuko rin ng kanilang mga armas at iba pang mga kagamitan kabilang dito ang isang yunit ng kalibre 45 na baril na may tatak na light weight colt defender at magazine na naglalaman ng limang (5) bala at dalawang (2) pirasong Improvised Explosive Device (IED’s), apat (4) na blasting caps at tatlong (3) ice candy plastic container na naglalaman ng ammonium nitrate.

Ayon sa panayam sa magka live-in partner, isiniwalat nila ang hirap at pasakit na nararanasan nila bilang mga miyembro ng nasabing kilusan. Diumano’y dahil ito sa kakulangan ng suplay ng pagkain, ikabubuhay at suporta mula sa masa ay napilitan silang sumuko. Dagdag pa,  dahil sa walang humpay na Retooled Community Support Program-Counter White Area Operations (RCSP-CWAO) na isinasagawa ng lokal na pulisya ng Labo MPS sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala, sasailalim sa debriefing session ang dalawang dating rebelde at sila ay magiging isa sa mga tututukan at tutulungan ng lokal na pamahalaan para sa E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng ating gobyerno.