10 bayan sa Albay, napabilang sa good financial housekeeping sa taong 2021

LEGAZPI CITY – Ikinatuwa ng 10 Local Chief Executive sa Albay na napasama ang kanilang mga bayn/lungsod sa Good Financial Housekeeping para sa taong 2021.

Ito ay base sa inilabas na resulta ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Kabilang rito ang LGU Camalig, Daraga, Guinobatan, Libon, Malilipot, Oas, Pioduran, Polangui, Rapu-Rapu at Sto Domingo.

Nakapasama rin sa good financial housekeeping ang Legazpi City, Tabaco City at Ligao City.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Hindi rin nagpahuli ang Provincial Government ng Albay mula sa anim na lalawigan, pasado rin ang Catanduanes, Camarines Norte at Albay.

Ang Good Financial Housekeeping ay nagpapakita ng mas maayos na financial management sa mga pamahalaang lokal.

Nabatid na ang GFH ay isa sa mga criteria para mabigyan sila ng Seal of Good Local Governance.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Para makapasa ang mga LGU sa GFH, kinakailangang tumalima sila sa Full Disclosure Policy sa pamamagitan nang pagpapaskil ng mahahalagang financial document sa tatlong “conspicuous places” at sa DP Portal para sa lahat ng quarter ng 2019 at ang unang bahagi ng 2020 posting period document.

Dapat rin umanong mayroon silang paborableng COA audit opinion, na ipinaskil sa COA website, para sa 2019 o 2020.