Labis na pag-aalala at panghihinayang ang sinapit ni ginang Ellen Aguasito na taga- Puerto Princesa matapos ma-scam ng inakala niyang anak pero isa pa lang scammer.
Ayon kay Mrs. Elaine, tumawag sa kanya noon linggo ng hapon, June 12, 2022 ang scammer at nagpangggap na anak nitong babae na humihingi ng saklolo at doctor.
Pinahanap si Mrs. Ellene ng scammer ng 80, 000 pesos upang madugtongan umano ang buhay nito habang ito ay nagaagaw-buhay sa ospital.
Ayon pa sa scammer ay dapat makapag-padala ang biktima ng halagang hinihingi bago mag-alas-kwatro ng hapon nitong nakalipas na Linggo.
Dala ng labis na pag-aalala ay napaniwala si ginang Ellene at nagkumahog na nangutang sa kaibigan ng halagang hiningi ng scammer subalit 5, 000Php lamang ang nautang nito at naipadala sa Gcash.
Minadali raw siya ng scammer na ihulog ito sa Gcash account (GENEVIEVE P.) upang agad maasikaso raw ang anak na kritikal
huli na nalaman ni Mrs. Ellene na na-scam siya nang humingi siya ng saklolo sa isang kagawad ng Barangay Bagong Sikat, Puerto Princesa na pinayuhan siyang alamin muna ang totoong sitwasyon ng anak.
Nang tawagan niya sa telepono ay nalaman niya sa manugang na nasa maayos na kalagayan ang totoong anak at wala sa ospital.