KORONADAL CITY – Sapul sa CCTV ang salpukan ng motorsiklo at SUV pasado alas 5:00 ng umaga kanina sa kahabaan ng Provincial Road, Corner Balmores Street, Purok Kaunlaran, Barangay GPS, Koronadal City. Kinilala ang mga biktima na sina Arnold Tolentino, driver ng motorsiklo at ang angkas nito na si Sherlyn Dulan, 75 anyos, pareho residente ng Barangay Rotonda. Sa imbestigasyon ng Traffic Section ng Koronadal City Police Station na habang lulan ng motorsiklo ang dalawa at pagdating sa nasabing lugar, aksidente na sumalpok ang mga ito sa papalikong SUV na minamaniho naman ni Donald Sulleza, residente ng Block 1, Lot B, Agreda Phase 1, Barangay Sto. Niño nitong lungsod.
Dahil dito nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang dalawa at agad na isinugod sa pagamutan para sa tulong medikal. Sa ngayon ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente ay nananatili sa kustudiya ng Traffic Section ng Koronadal City PNP para sa tamang disposisyon.
