Nilinaw ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kailangan pa ng batas para sa dagdag-sahod ng mga uniformed personnel, partikular ang nasa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Sa Malacañang Insider, sinabi ni Pangandaman na mayroon nang naka-pending na mga bills ngayon sa Kongreso, at inaatay lang nila itong maaprobahan.
Matatandaang taong 2018 pa huling nagkaroon ng dagdag sahod ang mga uniformed personnel.
Samantala ngayong araw naman ilalabas ng Department of Budget and Management ang guidelines para sa umento sa sahod ng mga civilian government workers.
Inaasahang makikinabang sa taas sahod ang nasa one million 352 thousand personnel.