Sinuspinde na ng MARINA ang safety certificate ng MV Esperanza Star matapos masunog sa karagatan ng Western Bohol.
Ayon kay MARINA-7 Public Information Officer, Engineer Rochyl Villamor, MARINA-7, ito ay habang ikinakasa ang malalim na imbestigasyon sa sanhi ng pagliyab sa barko noong Linggo habang may sakay ng mahigit isang daan katao.
Hiniling na rin sa kanilang Legazpi, Albay office na mag isyu ng show casue order sa may-ari ng barko.
Samantala, nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Philippine Coast Guard.

Sa ngayon, inaalam na raw ng PCG kung may sapat bang dokumento ang barko at kung may clearance ba ito bago maglayag. // AC