Rhian, inamin ang hiwalayan at pagbabalikan ng nobyong si Sam

Inamin ng aktres na si Rhian Ramos sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ang hiwalayan nila noon ng nobyong si Sam Verzosa dulot ng patong-patong na mga dahilan.

“I think it’s very important in a relationship na kaya n’yong pag usapan lahat and you’re not forcing the other person na hulaan kung anong nararamdaman mo,” sabi ng aktres.

Dagdag din ng aktres na isa sa mga naging dahilan ng hiwalayan nila ng nobyo ang pagpasok nito sa politika.

Si Sam ay kasalukuyang naka upo sa Kamara bilang Partylist Representative.

Matapos na magkabalikan ang dalawa, hindi pa naman daw pumapasok sa isip nila ang magpakasal.

“We’re not planning, but we’re playing with the idea,” Rhian said. “It was never naman my dream or a requirement, but I would if God puts that in my life and if it’s for me.” dagdag ni Rhian.

Matatandaan na naging usap-usapan ang dalawa matapos gawing opisyal ng aktres ang kanilang relasyon sa Instagram noong August 2022.

Muli silang napag-usapan noong December 2022 matapos nilang iunfollow ang kani-kanilang Instagram account. // AC