Inihayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na ang mungkahi nyang bumuo ng mga “safer bubbles” para sa mga fully vaccinated na mga indibidwal ay para matulungan Ang bansa sa pagpapasigla muli ng ekonomiya sa gitna ng COVID-19.
Ayon kay Concepcion, walang choice ang bansa kundi buksan ang ekonomiya ng ligtas at ang tanging paraan lamang para rito ay ang hayaan ang mga bakunado nang mga indibidwal na mapasigla ang economic movement ng bansa.
Nauna nang sinabi ni Concepcion na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Transportation (DOTr) tungkol sa posibleng deployment ng mga bus para sa mga full vaccinated ng mga indibidwal upang maprotektahan ang mga ito sa mga hindi pa vaccinated.

Pareho namang tinanggap nina Health Secretary Francisco Duque III at Justice Secretary Menardo Guevarra ang suwestiyong ito ni Concepcion, subalit sinabi ni Guevarra na ang tamang oras upang maisulong ang proposal ito ay kapag readily available na ang mga bakuna sa lahat ng tao at kapag nabakunahan na ang karamihan ng mga Pilipino sa bansa.