Ipinahayag ni Senator at Chair ng Senate Committee on Health and Demography Christopher “Bong” Go ang suporta para sa proposed national budget para sa 2022 kasabay ng pagbibigay diin na kailangang palakasin ang COVID-19 response ng pamahalaan.
Pero pinaalalahanan nya ang mga ahensya ng gobyerno na para maapruahan ang proposed budget, kailangang tiyaking bawat sentimo ng pondo ay magagamit alinsunod sa batas at nakasaad sa prescribed period nang di masayang ang pera ng taumbayan.
Ayon sa senador, bilang chair ng committee on health, maingat nyang bubusisiin ang proposed health budget para masigurong may sapat na pondo para mapalakas ang COVID-19 response
Bukod umano sa pagtiyak na maibibigay ang health services sa mga Pilipino, parte rin ng mandato ng gobyerno na siguruhing wala ni isang iregularidad sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan.
Mababatid na para mapanatili ang COVID-19 response efforts, tinaasan ang budget para sa Department of Health para sa 2022, 16.5 percent na mas mataas kaysa noong 2021 na gagamitin para sa pagbili ng vaccines, booster shots, pagpapatupad ng Prevention, Detection, Isolation, Treatment, and Reintegration strategy, emergency hiring ng 6,810 COVID-19 Human Resources for Health, at hiring at deployment ng 26,035 health professionals sa public and private hospitals sa underserved areas.
