DILG, pinalawig ang pamimigay ng ayuda sa NCR hanggang August 31

Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pinalawig nila hanggang August 31 ang pamimigay ng cash aid sa Metro Manila.

Sa isang statement, sinabi ng DILG Secretary Eduardo Año na 80% o P9.1 bilyon mula sa P11.2 bilyong pondong ayuda pa lamang ang naipapamigay sa mga low-income na mga indibidwal at pamilya sa rehiyon kung kaya’t napagkasunduan nilang palawigin ang pamimigay nito. 

Samantala, Caloocan City lamang ang naka 100% ng distribusyon ng ayuda, sumunod ang Pateros na may 97.34%, Pasay na may 95.16%,  Manila na may 91.57%, at ang lungsod ng Mandaluyong  na may 85.84%.

Naunang binigyan ang mga LGU ng 15 araw upang makumpleto ang distribusyon ng ayuda na nagsimula noong August 11 at orihinal sanang matatapos noong August 25.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *