Mga health restrictions sa Kuwait, niluwagan na

Inanunsyo ng Council of Ministers sa Kuwait na hindi na mandatory ang pag-susuot ng facemask sa loob at labas ng mga pampublikong lugar simula sa ika-1 ng Mayo.

Tatanggalin na ang lahat ng travel procedures at requirements kaugnay sa Covid-19 at magbabalik-normal na sa dating proseso ang mga paliparan doon.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Hindi na rin kakailanganin ang PCR test result kung papasok sa mga establishments, fully vaccinated man o hindi.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Samantala, patuloy pa din naman ang paaalala ng pamahalaan ng Kuwait na manatiling ligtas laban sa naturang sakit. || ARGIE ERGINA