S. Africa nagpatupad ng mas mahigpit na lockdown restrictions

Napilitang magpatupad ng mas mahigpit na lockdown restrictions si South African President Cyril Ramaphosa.

Kasunod na din ito ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at ang usad-pagong na vaccination campaign sa kanilang bansa.

Ayon sa report, wala pa sa 2% ng kanilang populasyon na tinatayang 59 million ang nabakunahan mula noong Pebrero nang simulan nila ang rollout.

Kabilang sa mga ipinatupad ni Ramaphosa ang pagsasara ng lahat ng eskuwelahan, work from home sa mga posible, pagbabawal sa mga indoor at outdoor gatherings kabilang ang mga kasal, paglilimita sa funerals sa 50 tao, pagbabawal ng pagbebenta ng alcohol at ang pagsasara ng mga non-essential estbalishment pagsapit ng alas-8 ng umaga.

Patuloy din sa pagtaas ang admission sa mga ospital na dahilan ng kakulangan ng hospital beds sa ilang bahagi ng nasabing bansa.

Hindi naman naiwasang batikusin ng oposisyon ang mabagal na vaccination rollout na dahilan ng pagiging vulnerable ng milyon-milyong mamamayan sa infection.