PNP nanawagan sa mga nagmamay ari ng hindi lisensyadong baril isuko ito sa kanilang himpilan

Nanawagan si PNP Provincil Director PCol Julius Guadamor sa mga mamamayan ng Camarines Norte na nagmamay- ari ng mga hindi lisensyadong baril na makipag ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya at isuko ito pansamantala.

Mas mainam daw kasi na ibigay muna ang pangangalaga nito sa PNP lalo na kung wala pang planong mag renew o asikasuhin ang lisensiya nito.

Hinikayat din ni Guadamor na ireport sa himipilan ng pulisya ang sinumang taong nagmamay ari ng iligal na baril o armas.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kagabi, arestado ang isang construction worker makaraang makuhaan ng baril sa kaniyang pag iingat sa isinagawang operasyon ng Mercedes Municipal Police Station sa Purok 1, Barangay Masalongsalong sa naturang bayan.

Bitbit ang search warrant na ipinalabas ng RTC Branch 40 tinungo ng mga pulis ang tahanan ng suspek na si Michael Plazo y Abajero 38 at nagsagawa ng search operation.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nakuha mula sa pag iingat ng suspek isang kalibre 38 rebolber na walang kaukulang dokumento at kargado ng limang bala.

Nasa kustodiya ngayon ng naturang Municipal Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.