Ilang grupo ng health workers, nagprotesta sa harap ng DOH para ipanawagan ang pagbibitiw ni Duque

Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang grupo ng nagpakilalang mga healthcare workers sa harap ng opisina ng Department of Health dito sa Manila.

Ang raliyesta ay nakasuot ng Personal Protective Equipment at dala-dala ang kanilang mga placard.

Nakasaad dito ang kanilang pagkadismaya sa DOH at sa pamahalaan pati na kay Pangulong Duterte.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Nakasulat din sa ilang karatula ang pagpapalayas kay Health Sec. Francisco Duque III na lumayas na sa kagawaran ng kalusugan dahil umano sa katiwalian.

Sinisingil ng mga raliyesta si Duque sa kabiguan umano nitong maibigay pondo na para sa mga allowances ng mga health care workers alinsunod sa Bayanihan 2 na ngayong araw ay nakatakda nang magpaso.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon naman sa grupong Alliance of Health Wokers ang kanilang ipinaglalaban ay para maibigay ang mga benipisyong para sa kanila.

Sumulat na rin umano sila sa Pangulo pero wala pang tugon dito ang Palasyo.