Russian scientiest, inoperahan ang sariling utak upang mailagay ang electrode na may kakayahang makontrol ang panaginip

Likas sa atin ang managinip ng mga bagay na hindi natin kontrolado, ngunit kamakailan lamang, isang scientist ang nagsagawa ng sariling operasyon sa kaniyang utak para makontrol ang kaniyang panaginip.

Isang Russian scientist umano na nagngangalang Michael Raduga ang naglagay ng tinatawag na electrode sa kaniyang utak sa paraan ng pag-opera rito na siya lamang mismo ang nagsagawa.

Dahil rito, maraming dugo ang nabawas sa kaniya na tinatayang umabot umano sa 1 litro.

Ayon dito, natutuhan niya lamang ang pag-oopera sa panunuod sa Youtube, kaya naman nais niyang isakatuparan ang kaniyang hangarin na makontrol ang kaniyang panaginip.

Umabot umano ng tatagal sa 30 minuto ang nasabing operasyon, at umabot pa sa puntong gusyo na sana niya itigil ito dahil sa malubhang pagdurugo.

Ganunpaman, pinilit niya itong matapos at naisakatuparan niya nga ito.

Pagkatapos lamang ng 5 linggo, ipinatanggal niya na rin ito alinsabay ng pagbabala ng mga neurosurgeon at doktor na maaari umano itong magdulot ng ilang mga side effects.|WENCY LISAY