KORONADAL CITY- UMAASA si Senator Francis Tolentino na makakapagpatayo ng medical school ang South Cotabato upang makapag-produce ng mga medicine graduates.
Sa kanyang mensahe sa opening ceremony ng T’nalak festival bilang guest speaker, umaasa si Tolentino na isama ni Governor Reynaldo Tamayo Jr sa kanyang mga plano ang pagpapatayo ng medical school sa gitna ng kakulangan ng mga doktor sa bansa.
Ayon sa opisyal na ito ay dahil 49% na ng mga doktor sa Pilipinas ang nagretiro at ang iba ay mas piniling magtrabaho sa ibang bansa.
Napag-alaman ayon sa senador na nangangailangan ang bansa ng 114,000 na mga doktor.
Dahil dito, mahalaga ayon kay Tolentino na marami ang mapo-produce na mga doktor ng bawat probisya.
