Umaasa ang Russia na ibabalik ng United States ang notorious Russian arms trafficker na si Viktor Bout sa pamamagitan ng isang prisoner swap, matapos na mailipat si American basketball star Brittney Griner sa penal colony.
Ayon kay Deputy Foreign Minister Sergei Ryabkov, umaasa sila na ang prospect para sa pagpapalitan ay hindi lang manatiling topical issue, kundi mapagtibay at magkaroon ng konkretong kasunduan.
Mababatid na ang US athlete ay naaresto sa Moscow airport noong Pebrero at hinatulan ng siyam na taong pagkakakulong noong Agusto dahil sa pagmamay-ari ng vape cartridges na may lamang maliit na quantity ng cannabis oil.
Noong nakaraang linggo, nang magpahayag si US President Joe Biden na sana seryosong makipagnegosasyon umano si Russian leader Vladimir Putin para mapalaya si Griner.

Sa gitna nito, may ilang observers naman ang nagmungkahi na i-trade si Griner kay Viktor Bout na hinatulan ng 25 taong pagkakakulong noong 2012.
Samantala, may isa pang American na nakakulong sa Russia na isang retired US Marine na naaresto noong December 2018 at inakussahan ng pang-iispiya, at nakatakda rin ito para sa posibleng exchange. //MHEL PACIA