Pelosi, bababa sa pwesto bilang top Democrat matapos makuha ng Republicans ang House

Inihayag ni Democrat Nancy Pelosi, ang trailblazing first female speaker ng US House of Representatives, na bababa siya sa pwesto bilang party leader, matapos makuha ng Republicans ang kontrol sa kapulungan.

Ayon kay Pelosi, hindi na umano siya tatakbo para sa reelection sa Democratic leadership sa susunod na Kongreso.

Mababatid na nakakuha ang Republicans ng slim majority sa House mula sa nakaraang linggo na midterm elections, habang napanatili ng Democrats ang kontrol sa Senado.

Ang pag-alis ni Pelosi bilang party leader ay magmamarka bilang ‘end of an era’ sa Washington.

Una nang sinabi nito, na ang kanyang magiging desisyon sa hinaharap ay maiimpluwensyahan sa brutal na pag-atake sa kanyang asawa sa runup tungo sa November 8 midterms. //MHEL PACIA