Tank Davis vs Ryan Garcia ‘done deal’ para sa 2023


Done deal na ang isa sa pinakamalaking laban na gagawin sa boksing sa pagitan nina Gervonta “Tank” Davis at Ryan Garcia sa 2023.

Parehong inanunsyo ng dalawa ang naturang balita sa kanilang Instagram.

Ayon kay Garcia, ang naturang laban ang pinakamalaki na mapapanood ng mga tao.

Si Davis na may 27-0 record at 25 knockouts bilang professional boxer, ay huling nakita sa aksyon noong Mayo nang matalo si Rolando Romero sa pamamagitan ng technical knockout.

Si Garcia naman na isa ring unbeaten sa record na 23-0 at 19 knockouts, ay mula sa stoppage win laban kay Javier Fortuna noong Hulyo.

Matatandaan na noong mga nakaraan, naghahamunan ang dalawang fighters sa social media, pero walang naganap na official fight. //MHEL PACIA