Russia pormal nang idineklara ang pag-annexed sa apat na rehiyon sa Ukraine

Pormal nang idineklara ng Russia ang pag-annexed nila sa apat na inokupahang rehiyon sa Ukraine sa kabila ng pagkondena ng international community.

Kaugnay nito ay nilagdaan ni Russian President Vladimir Putin ang accession treaties sa mga Moscow-installed leaders sa isang seremonya sa Kremlin’s opulent St. George’s hall.

Sa harap ng maraming miyembro ng political elite, idineklara ni Putin na “forever” na bahagi na ng Russia ang apat na rehiyon.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Tinawag naman ni Nato Secretary-General Jens Stoltenberg ang pag-annexed ng Russia sa Ukraine territory na “most serious escalation” sa sinimulan nilang giyera noong Pebrero.

Inakusahan naman ni US President Joe Biden si Russian President Vladimir Putin ng “fraudulent attempt” sa pag-claim sa Ukrainian territory.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Binigyang diin naman ni European Commission President Ursula von der Leyen na walang anumang pagbabago sa kahit na anuman ang illegal annexation na idineklara ni Putin.

Maging si French President Emmanuel Macron ay nangakong mananatili sa likod ng Ukraine sa laban nito sa pananakop ng Russia.