DOH Bicol, inihayag na mas maraming kalalakihan ang nag-commit ng suicide batay sa kanilang datos

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na batay sa kanilang datos tungkol sa bilang ng mga indibidwal na nagco-commit ng suicide sa rehiyon mula noong nakaraang taon, pinakamarami umano ay ang kalalakihan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Wendy Baluis, mental health program coordinator ng ahensiya, inihayag niyang batay umano sa eksperto, mas matigas at madiin ang kilos ng mga kalalakihan kumpara sa mga kababaihan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kadalasan, ang mga nagiging desisyon ng ilang mga lalaki ay humahantong sa mga malalang pangyayari katulad ng kamatayan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ngunit hindi naman ibig sabihin na mas nag-iisip ng suicide ang mga lalaki; katunayan, batay sa isang sarbey na isinagawa umano ng World Health Organization, 12% ng mga kababaihang may edad 12-21 taong gulang ay nag-iisip na mag-suicide nang hindi alam ng kani-kanilang magulang.Kung kaya, itinuturing nilang isang napakaking concern ito na dapat ay mabigyan ng aksyon.