15 suicide cases sa Albay, naitala mula noong nakaraang taon; kadalasang dahilan, tinukoy – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Labinlimang kaso na ng suicide ang naitala sa lalawigan ng Albay magmula pa noong nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan batay sa datos ng Department of Health (DOH) Bicol.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Wendy Baluis, mental health program coordinator ng ahensiya, sinabi niyang ang nasabing record ay dumaan sa Philippine National Police (PNP) na kanilang hiningi upang makita kung pano ito maico-correlate sa pagsasagawa ng mga healthy intervention lalong-lalo na sa mga programang may kaugnayan sa suicide prevention.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Nakuha ng Catanduanes ang may pinakamaraming bilang ng kaso kung saan umabot na ito sa 22, sinusundan ng Camarines Sur na nasa 20, Camarines Norte na nasa 17, Sorsogon na nasa 12, habang 4 sa Masbate.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Aniya, kadalasang dahilan ng pagsuicide ng mga indibdiwal ay ang mga may medical na kondisyon partikular na ang depresyon. Kung kaya, pinapayuhan ang lahat, na maging maaalalahanin sa kani-kanilang kapwa upang maagapan ang gayong mga gawain.