Russia, nagsasagawa ng fighter jet drills sa Baltic Sea

Nagsagawa ng tactical fighter jet drills ang defense military ng Russia sa Baltic Sea na may layuning sukatin kung gaano kahanda ang mga ito para sa combat at special tasks operations.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa isang pahayag ng Russian defense ministry, nagpakawala ng cruise missiles ang mga fighter jets na Baltic Fleet o Su-27.

Bukod dito, regular din na nagsasagawa ng  “round-the-clock combat duty” ang mga fighter jet crews upang mabantayan ang air space ng Kaliningrad exclave ng Russia.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Naitalang tumataas ang bilang ng mga interceptions ng Russian at Western military aircrafts nitong mga nakaraang buwan sa gitna ng umiiinit na tensyon sa Moscow.