John Lloyd, nag-post ng litrato kasama ang GF na si Isabel Santos

Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-post sa Instagram si John Lloyd Cruz ng litrato nila ni Isabel kasama ang anak ng aktor na si Elias.

Kahapon ang ikalimang kaarawan ni Elias.

Si Elias ay anak ni John Lloyd sa ex-girlfriend na si Ellen Adarna.

Tila wacky shot ang hitsura ng aktor sa kanyang Instagram post dahil naka-super close up ang mukha niya sa litrato.

Tila nasa rest house sila ni John Lloyd sa Batangas dahil tugma ang interior design ng bahay sa bahay ni John Lloyd sa lugar.

Noon lamang June 13, namataan namang kasama si John Lloyd sa family celebration ni Isabel ng kaarawan ng girlfriend. Naroon din noon  si Elias.