Bigo ang Gilas Pilipinas Women laban sa five-time defending champion Japan sa score na 95-57.
Ito na ang ikalawang sunod na kabiguan ng Gilas Women.

Dahil sa pagkatalo, umangat sa 2-0 ang Japan, kapantay na ang host na Australia.
Nauna nang nakamit ng Gilas women ang pagkatalo sa Australia sa score na 105-34 noong Lunes.
Umaasa ang Gilas na makakabawi sa kanilang laban ngayong araw kontra sa Chinese Taipei.