Ibinunyag ng Ukraine Defence Minister na naghahanda ang Russia ng bagong major offensive na posibleng isakatuparan sa Pebrero 24, isang taon matapos nitong ilunsad ang pag-atake sa Ukraine.
Sinabi ini Oleksii Reznikov naghahanda ang Moscow ng libo-libong tropa at posibleng maglunsad ng bagong taktika para tumatak ang anibersaryo ng kanilang pagsalakay noong nakaraang taon.
Ayon kay Reznikov, nag-mobilised ang Moscow ng 500,000 troops para sa pag-atake sa Ukraine.
Matatandaan na kinumpirma ni Russian president Vladimir Putin na umabot sa 300,000 na tropa ang kanyang pinakilos para pero sinabi ni Reznikov na posibleng mas mataas ang totoong bilang.
Giit ng opisyal, maraming tropa ang namataan sa mga borders bagamat wala namang mailabas na kumpirmadong bilang.
Tiniyak naman ni Reznikov na palalakasin nila ang kanilang front troops at naghahanda na para sa posibleng mas malaking opensiba ng Russia.
