Russia, magbubukas ng humanitarian corridors sa maraming lungsod sa Ukraine

Inanunsyo ng Russia na magbubukas ito ng humanitarian corridors upang pahintulutan ang evacuation ng mga sibilyan sa maraming Ukranian cities.

Kasama sa mga nakalistang evacuation routes ay matatagpuan sa kabisera na Kyiv, sa port city ng Mariupol, Karkiv, at Sumy.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Lahat ng mga nasabing lungsod ay nakararanas ngayon ng matinding pag-atake mula sa Russian forces.

Ayon sa Russian Defense Ministry, para sa humanitarian purposes ay magdedeklara ang Russian forces ng “regime of silence” simula nitong March 7 at ang pagbubukas ng humanitarian corridors.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Inihayag ng Moscow na ginawa nito ang desisyon alinsunod sa “personal request” ni French President Emmanuel Macron kay Russian President Vladimir Putin.

Nag-usap ang dalawang lider noong Linggo para sa ikaapat na pagkakataon mula nang atakehin ng Russia ang Ukraine noong February 24.