SORSOGON CITY – Hindi kinukunsinti ng Lokal na Pamahalaan ng Gubat ang sinumang empleyado nito na sangkot sa iligal na gawain lalo na ang iligal na droga.
Ito ay may kaugnayan sa kamakailan-lamang na pagkaaresto ng isa sa empleyado ng Sangguniang Bayan sa ikinasang anti-illegal drug operations sa nasabing bayan kung saan ang Regional Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office 5 ang lead unit.
Dagdag pa ng LGU-Gubat, ang pagkadarakip sa suspek ay isang manipestasyon na ang mga awtoridad ay seryoso sa kampanya laban sa iligal na droga at ang LGU-GUbat ay sumusuporta sa kampanyang ito para makamit ang isang drug-free municipality.

Ang insidente umano ay isang isolated case at hindi sumasalamin sa core values ng LGU-Gubat.
Sa nasabing buy-bust operations, naaresto si Emerson Estevez Lacsa, 37-anyos, binata, Local Legislative Staff Employee 2 ng Sagguniang Bayan at naninirahan sa Brgy Manook , Gubat.
Nasamsam sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.
Si Lacsa ay kinokunsidera din na isang Provincial Level/High Value Target drug personality.