Inamin ng aktor na si Ruru Madrid na ang aktres na si Barbie Firteza ang sinasabi niya noon na binasted siya ilang taon na ang nakararaan.

Noong 2020, kasi sinabi ni Ruru sa isang interview na may pinormahan siyang artista ngunit imbes na pahintulutang manligaw ay agad siyang binasted nito.
Ayon naman kay Ruru masiyado pa siyang bata noon nang ligawaan niya si Barbie.
Tingin umano ni Ruru kaya siya na-basted ay dahil sa ibinigay niyang tsinelas kay Barbie.
Tinanggap naman ni Barbie ang tsinelas pero napag-alaman din ni Ruru na hindi pala kasiya ito sa aktress.