Lalaki, nagulungan ng truck – patay

Patay ang isang lalaki matapos itong magulungan ng truck sa Barangay Bukal, Buenavista, Quezon nitong Lunes, Nobyembre 4.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na sinubukan umanong mag-overtake ng motor na minamaneho ni alyas “Melvin” sa truck subalit dumulas ito.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Doon na nagulungan ng kaliwang gulong sa unahan ng truck ang biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Samantala, sugatan din sa aksidente ang noo’y backrider ito na 11-anyos na bata kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang driver ng naturang truck.