Presidential Election sa Amerika nagsimula na

Magkakaalaman na kung sino kina Kamala Harris at Donald Trump ang susunod na Presidente ng Amerika.

Sa bayan ng Dixville sa New Hampshire nakakuha ng tablang boto sina Harris at Trump.

May ilang residente na ring unang bumoto via mail gaya ng mga Filipino-American at tulad ng mga Amerikano hati rin ang kanilang boto.

Bago ‘yan, sinuyo nina Harris at Trump ang mga tinaguriang battleground state. Ilan sa mga lugar na masasabing dikdikan ang laban ay ang battleground state ang Arizona, Georgia, Michigan, Nevada, North Carolina, Wisconsin, at Pennsylvania.