RTWPB sa Central Luzon, tiniyak na magiging patas sa paglalabas ng desisyon tungkol sa wage hike petition

Tiniyak ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board na magiging patas sa lahat ng sektor habang denedisisyunan ang minimum wage hike petition sa Central Luzon.

Ito ay kasunod ng apat na magkakaibang petisyon ng mga labor group sa omento sa kasalukuyang 420 pesos na sahod ng mga empleyado sa mga probinsyang kabilang dito.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ayon kay DOLE Region 3 Dir. Geraldine Panlilio, bagamat puwede na ang isahang public hearing bago ang desisyon ay pinili pa rin ng wages board na gawin sa pitong lalawigan ang konsultasyon tungkol dito.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Matatandaan, una nang may nagsumite ng petisyon na itaas sa 750pesos ang mimimum wage habang ang pinakahuling petisyon ng isang labor group ay aabot ng mahigit walundaang piso.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Power Fact Women are more likely than men to have thyroid issues. Power Cells ang Sakit! Tuldukan HERBAL CAPSULE Û. www.powercells.ph'