Bilang ng mga naitatalang kaso ng rape sa bayan ng Basud tumaas sa unang quarter ng 2022

Tumaas ang bilang mga naitatalang kaso ng rape sa bayan ng Basud, Camarines sa unang quarter ng 2022.

Batay ito sa crime statistics report na iprinisenta ng Basud Municipal Police Station sa isinagawang joint Provincial at Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGTPD/MAGTPD)

Sa datos, tatlo ang naitalang kaso ng rape na minarkahang case cleared pero dalawa lang ang crime solved.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Mas mataas ito kumpara sa isang kaso lang sa kaparehong panahon noong isang taon.

Kaugnay nito isa sa napag usapan ng grupo ang pagpapaigting ng religious education sa pamamagitan ng planong programa sa radyo.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ito ay upang maiwasan na ang mga ganitong insidente.

Maliban dito ay iprinesenta rin sa pagpupulong ang mga accomplishment at best practices ng MAGTPD sa mga nagdaang taon.

Kasama dito ang joint effort ng kapulisan at grupo sa ginawang pagtulong sa mga nangangailangan ngayong panahon ng pandemya.