KORONADAL CITY- MAGSASAGAWA ngayong araw, Agosto 24, ng Public Hearing on Minimum Wage Determination ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB 12. Ito ay gaganapin sa Sun City Suites sa General Santos City ala-1:00 mamayang hapon.
Napag-alaman na nananawagan ngayon ang mga trabahante at labor unions ng umento sa minimum wage sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin at cost of living.
Ang lahat ng key points sa public hearing ay pag-aaralan at titimbangin ng RTWPB 12 sa pagdesisyon kung kailangan na bang dagdagan o hindi ang sahod ng mga manggagawa sa mga pribadong kompanya sa Soccsksargen.
Pinaisguro naman ng board na magiging patas kanilang desisyon para sa mga workers at employers.
Ang kasalukuyang minimum wage sa Region 12 ay P 368 sa non-agriculture sector at P 347 naman sa agriculture/retail/service sector na nag-epektibo noong September 1, 2022.
