Tropical Depression Goring, patuloy na binabantayan ng PAGASA

Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang Tropical Depression Goring na siyang insaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa sa mga susunod na araw.

Batay sa pinakahuling update ng weather bureau, huling namataan ang bagyo sa layong 300 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/h at bugsong aabot sa 70km/h.

Paliwanag ng PAGASA, kakaiba ang magiging pagkilos ng bagyo, dahil mayroon itong looping track o gagawa ito ng paikot na galaw.

Sa susunod na mga oras, mas mararamdaman na ang epekto ng bagyo sa malaking bahagi ng hilagang Luzon.

Inaasahang mas lalakas pa ang Bagyong Goring, at posibleng made-develop pa bilang severe tropical storm.

Samantala, hindi pa rin nawawala ang epekto ng habagat na sa malaking bahagi ng bansa, lalo pa’t posibleng palakasin din ito ng Bagyong Goring, kaya asahan pa rin ang pagkakaroon ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.