ROTC Formation sa CBSUA, limitado na dahil sa matinding init

CAMARINES SUR – Limitado na ang pagsasagawa ng Reserve Officer Training Corps (ROTC) formation sa lahat ng campus ng Central Bicol State University of Agriculture dahil pa rin sa matinding init ng panahon.

Ito ang binigyang diin ni CBSUA University President Dr. Alberto Naperi matapos ang ilang pag-aray ng mga mag-aaral habang nakabilad sa init dahil sa mandatory ROTC linggo-linggo. Sa halip na magformation, nagkakaroon na lang sila ng lecture kapag nasa oras na sobrang init ng panahon.

Base naman sa kanilang monitoring, may maayos pa namang bentilasyon sa loob ng classrooms maging sa palibot at labas ng paaralan dahil na rin sa maraming puno na nakapalibot dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *