Kalusugan ng mga guro at empleyado prioridad ng DepEd, national policy patungkol dito isinasapinal na

CAMARINES NORTE – Tiniyak ng Department of Education na maliban sa mga mag- aaral ay prioridad rin nito ang kalusugan ng mga guro at iba pang empleado ng departamento.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni Division Information Officer Antonio Ahmad na mayroong talagang programa ang DepEd sa Camarines Norte na Teacher’ s Welfare and Health Enhancement kung saan sa bawat eskwelahan ay mayroong profile ang school health section nang mayroong  mga health risk.

Paliwanag ni Ahmad na kapag sumampa na sa 45 anyos ang guro ay kinukunsidera na silang at risk kaya naman dalawang beses isang taon ay sumasailalim sila sa check- up.

Dito ay ini- examine ang kanilang puso, blood sugar, early detection ng breast cancer at iba pa.

Noong isang linggo lang ay natanggap na ng SDO Camarines Norte ang isang memorandum na naglalayong isapinal ang Teacher’s Welfare Enhancing Policy ng DepEd kung saan bahagi si Ahmad ng national technical working group.

Pagkatapos maisapinal ay gagawin ang turn- over ng draft policy sa Executice Committee para maisapinal at pirmahan.

Ani Ahmad, ito ang dati nang sinasabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na polisiyang lalabas ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *